Paki-receive daw!

kalokahhhh!

Kahapon ng hapon, sa ayaw ko man, napilitan akong ilabas ang aking katarayan. Tabi-tabi po.

Alas sinko ng hapon, nagtungo ako sa Honoris Lines para kuhain ang dokumentong ipinadala ng ate ko mula sa Mindoro. Hindi ko inaasahan na masasagad ng aleng ito ang aking pasensya.

Nang duamating ako sa terminal, kaagad akong lumapit sa bintana ng babaeng umaasikaso sa lahat ng mga padala. Narito ang aming usapan.

ALE: Ano sa'yo, Miss?

Abby: Ate, kukuhain ko po sana yung pinadala ng ate ko galing ng Roxas. (napakagalang kong sumagot dahil alam kong ako ang may kailangan..)

ALE: Ay naku miss, nagbababa pa lang sila ng mga bagahe o! (Sabay turo sa isang malaking bus na kararating pa lang.)

Abby: Ate, last week pa po napadala yun, ngayon ko lang po kukuhain kasi kanina lang sinabi sa akin. (sa isip ko..naiinis din ako sa ate ko kasi di agad itinawag sa akin.)

ALE: ID mo.

Abby: Heto po. (Sabay abot sa SSS ID ko.)

ALE: A-BE-GA-EL (Ganyan n'ya binaybay ang pangalan ko. HMP!)

Abby: Abigail po.

Hinanap n'ya ang pangalan ko sa record at nakita naman n'ya. Inulit n'ya ulit ang pagbaybay...ngayon kasama na ang aking apelyido....

ALE: A-BE-GA-EL GA-SA-PANG-RA....

Abby: Abigail Gapasangra po. (Pwede ko s'yang patawarin sa maling pagbaybay ng apelyido ko dahil sa totoo lang mahirap naman talaga bigkasin pero sa unang pangalan ko..medyo nairita na ako kasi pangalawang beses na,,hehe)

ALE: O eto, paki-receive na lang. (sabay abot sa akin ng isang maliit na asul na papel at itinuro pa n'ya kung saan ako pipirma.)

Abby: Sige po. (Pero hindi ko pinipirmahan dahil hindi ko pa naman natatanggap talaga ang dokumento.)

ALE: Sige na pirmahan mo na dito o!

Abby: E asan po ang ire-receive ko? (Naiinis ako!)

ALE: Hay naku miss, kukuhain ko pa lang!

Abby: E di mamaya ko na lang pipirmahan kapag nakita ko ng hawak mo yung dokumento. (hindi na ako gumamit ng PO!)

Hindi ko talaga pinirmahan yung papel kaya napilitan s'yang kuhain na ang dokumento.

Pagbalik n'ya..

ALE: O AYAN! PIPIRMAHAN MO NA?!

Abby: Yan, saka ako pipirma!

Arggggghhhh...papipirmahin n'ya ako sa papel na magpapatunay na natanggap ko yung dokumento nang hindi ko pa man lang nakikita kung totoo ngang may dokumentong dumating!

ANO S'YA HILO!

 

Comments:

June 26, 2008 12:20am PDT
Hahahahahahahha! Hay nakow, madaming mga taong ganyan! Kainis!